Unang Engkuwentro ni Lumi sa Kakaiba

Hindi ako madalas magsulat ng mga nangyayari sa personal kong buhay. Hindi ako madalas magsulat ng Creative Non-fiction o Memory Fiction dahil hirap akong pabulaklakin ang mga pangyayaring halos araw-araw namang nagaganap. Magsulat man, pang-status lang sa Facebook ng sa tingin ko’y nakakatawa o mga proud moment na bihira lang rin dumating sa mediocre kong... Continue Reading →

Kung Anong Mas Maganda

Hindi ko alam kung anong mas maganda. Ang panonood sa bukang-liwayway o paghabol sa mga pangarap. Sa labas ng bintana, sumisilip-silip ang nakangiting buwan. Pumapagitan sa mga scaffolding ng mga ginagawang bahay, mga sanga at dahon ng mga puno, sa mga poste at kable ng kuryente. Parang nanghahabol. May kaunting liwanag nang nanggagaling sa abot-tanaw,... Continue Reading →

The difference in the indifferent Tatay

Hater ng cheesy posts ang Tatay. Hindi lang cheesy posts ang hate niyan—pati cheesy occasions. Mas accurate pa siguro ang apathetic. Indifferent. Walang kebs ‘yan sa Valentine’s Day. At, kailan lang, sinabi ko sa kanya na apat na taon na kaming ‘official’ noong March 18. Ang sagot ba naman sa ‘kin sa chat, “…” Last year naman, no’ng pinaalala ko sa kanya, ang sagot niya sa’kin, “wtf.”

Impulsive Writing: Sakit sa Mata

Mag-iisang taon na akong nakasalamin pero naninibago pa rin ako. Kailan lang, nasira ni Lumi ang salamin ko nang hatakin niya ‘to mula sa kamay ko. Na-bend ang bridge at natanggal ang isang lens. Nabalik ko ang bridge at lens pero hindi na tulad ng dati. Parang mas concave ang paningin ko kapag suot ang... Continue Reading →

Ang Simula

Siguro, in a way, natapos ang dating ako. Kung dati, susyunga-syunga akong parang bata, kinailangan kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa, dahil nadagdagan ng dalawa pang mga paa ang inilalakad ko. Kung dati, sarili ko lang ang iniisip ko, ngayon, sa lahat ng desisyon ko, iniisip ko kung paano maaapektuhan ang pamilya ko.

Kapangyarihan ng mga Anak na Babae

Dala na ng hangin sa maghapon ang init ng tag-araw. Kagabi, nakahiga sa kama, medyo hirap na akong makatulog dahil nasanay na ako sa malalamig na gabi ng nagdaang mga linggo. Kaaayakat lang ni Iza. Katatapos lang nito kumain. Tumalikod na rin ito sa akin. Handa nang matulog. Sa tabi nito, si Lumi, mahimbing nang... Continue Reading →

Kukunin ‘yan ng Bata

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong para kay Lumi talaga ang pagkakagawa ng blog na ‘to. Magsisinungaling rin ako kung sasabihin kong para kay Iza talaga ang blog na ‘to dahil hindi na siya gaano nagsusulat o hindi ko nababasa ang mga nasusulat niya. Ang totoo, naisip ko ang ideyang magsimula ng isang Nanay/Tatay blog habang... Continue Reading →

WordPress.com.

Taas ↑